Ang haligi ay isang suporta na makikita sa mga pinapatayong bahay sa makatuwid ang tatay ay tinatawag bilang haligi ng tahanan dahil siya ang nagsisilbing suporta ng pamilya pag ang isang haligi ay gumuho masisira ang isang bahay gaya ng isang ama na kapag hindi niya ginampanang mabuti ang tungkulin niya bilang padre de pamilya o haligi ng tahanan, maguguho ang kaniyang pamilya na gaya ng isang nasirang bahay; masisira ang samahan ng isang pamilya.
Konotasyon ay tumutukoy sa mas malalim na kahulugan ng isang salita o parirala, hindi lang sa literal na ibig sabihin. Sa pahayag na “Ang aking tatay ang haligi ng aming tahanan”, hindi literal na haligi (poste) ang tatay. Ang ibig sabihin nito ay siya ang nagsisilbing pinakamatibay na sandigan ng pamilya. Siya ang nagbibigay ng lakas, proteksiyon, at suporta upang manatiling matatag ang pamilya sa kabila ng mga problema.