May ilang mabuting dulot ang pagsakop ng Espanya sa Pilipinas kahit na mas marami itong hindi magandang iniwan. Una, naipakilala nila ang Kristiyanismo, lalo na ang Katolisismo, na hanggang ngayon ay malalim na bahagi ng ating kultura at mga tradisyon tulad ng pista at iba pang paniniwala. Dalawa, nagkaroon tayo ng pormal na sistema ng edukasyon dahil nagtayo sila ng mga paaralan at unibersidad gaya ng UST, kung saan mas dumami ang nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral. Naimpluwensyahan din ng wikang Kastila ang ating sariling wika at panitikan, at ito’y naging malaking tulong sa pagbubuo ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Higit sa lahat, dahil sa karanasang ito, natuto ring magkaisa ang mga Pilipino at mas tumibay ang kanilang pagnanais na makamit ang kalayaan[tex].[/tex]