Kung ako ay isang bayani, pipiliin kong ipaglaban hindi lang ang kalayaan ng bansa kundi pati ang kapakanan ng bawat Pilipino. Hindi lang sa larangan ng digmaan o rebolusyon, kundi sa simpleng paraan ng pagtatanggol sa tama at pagtutuwid sa mali. Sisikapin kong maging halimbawa sa kabataan na ang pagiging bayani ay hindi laging tungkol sa espada o baril, kundi sa tapang na magsalita, sa malasakit sa kapwa, at sa sakripisyo para sa nakararami[tex].[/tex]