Sa Parabula ng Mabuting Samaritano, kung ito ay iyong babasahin siya ay hindi binigyan ng pangalan ngunit ipinaliwanag ang kanyang mabuting ginawa tulad na lamang ng pagtulong sa sugatang tao na nasa lupa.Ang Samaritano ay kabilang sa isang etnorelihiyosong pangkat na naniniwala sa relihiyong Abrahamiko (taong sumasapalataya sa Diyos ni Abraham) na malapit na nauugnay sa Hudaismo.
Ang lalaking naglalakbay sa parabulang Mabuting Samaritano ay isang taong Hudyo na naglalakbay mula Jerusalem patungong Jericho. Sa kwento, siya ang biktima ng mga tulisan na nagnakaw at nanakit sa kanya. Ang layunin ng parabula ni Jesus ay hindi nakatuon sa pagkakakilanlan ng lalaking naglalakbay, kundi sa aral tungkol sa awa at pagmamalasakit—na kahit ang isang estranghero (tulad ng Samaritano) ay maaaring maging mabuti at tumulong sa nangangailangan, higit pa sa mga inaasahan natin mula sa mga kauri o kapwa Hudyo ng lalaking iyon.