Tinatawag na Anituismo ang animismo sa Pilipinas upang maging mas tiyak at angkop ito sa lokal na kultura. Ang salitang "Animismo" ay isang pangkalahatang termino para sa anumang paniniwala na may kaluluwa ang lahat ng bagay.Ang paggamit ng "Anituismo" ay nagbibigay-diin na ang sentro ng sinaunang paniniwalang Pilipino ay ang paggalang sa mga "anito" ang mga espiritu ng ninuno at kalikasan. Ito ay isang paraan upang gamitin ang sarili nating salita at konsepto, sa halip na isang pangkalahatang terminong galing sa mga dayuhang iskolar.