Answer:Ang parabula ay isang maikling kuwento na gumagamit ng mga tauhang karaniwang tao upang magturo ng isang aral o katurusang moral at espiritwal. Kadalasan itong makikita sa Bibliya, pero ginagamit din ito sa iba’t ibang kultura para turuan ang mga tao ng mabubuting asal.Ang pangunahing layunin ng isang parabula ay magbigay ng aral tungkol sa tamang pamumuhay, pananampalataya, at pakikipagkapwa-tao. Hindi lang basta kuwento ang parabula—ito ay parang salamin ng buhay na nagtuturo kung ano ang tama at mali.