Kahalagahan ng mga BayaniMahalaga ang mga bayani sa ating kasaysayan dahil sila ang nag-alay ng kanilang buhay at lakas para sa kalayaan ng ating bansa. Dahil sa kanilang sakripisyo, natamasa natin ang kalayaan na tinatamasa natin ngayon. Ang kanilang tapang at pagmamahal sa bayan ay nagsisilbing inspirasyon sa akin bilang mag-aaral. Natututo akong magsikap sa pag-aaral at mahalin ang sariling bayan gaya ng kanilang ginawa. Sa maliit na paraan, nais ko ring maging kabahagi ng pagpapaunlad ng ating bansa kagaya ng ipinakita ng ating mga bayani.