HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Araling Panlipunan / Junior High School | 2025-08-26

Tungkol sa pinagmulan ng pilipinasgamit ang sariling salita

Asked by marivelmalita6296

Answer (1)

Ang Pilipinas ay parehong arkipelago at pulo dahil ang Pilipinas ay binubuo ng mga malalaki at malilit na pulo at isa ring arkipelago sapagkat ang isang arkipelago na bansa ay binubuo ng malalaki at maliliit na mga pulo para matawag ito na arkipelago. Isa rin sa nakikitang dahilan ng pagkakabuo ng Pilipinas ay  mga sumusunod na mga teorya sa Agham:1. Teorya ng Pagkakabuo mula sa Bulkan o Volcanic Origin Theory- Nabuo daw ang Pilipinas dahil sa mga pagputok ng bulkan gaya ng nangyare sa bulkang Taal na ang mga nilabas nitong mga putik, mga bato at magma ay nagkumpol-kumpol sa naagdaang mga siglo at naging mga lupa. 2. Teorya ng Tulay na Lupa o Land Bridge Theory- Iminumungkahi na nung panahon ng yelo o ice age ay nakakonekta ang Pilipinas sa mainland Asya sa pamamagitan ng mga tulay na lupa. Sa pagtatapos ng panahon ng yelo at sa pagtaas ng lebel ng dagat ang naging sanhi para lumubog ang mga t3. Teorya ng Pagkaladkad ng mga Kontinente o Continental Drift Theory. Ayon sa Teoryang Continental Drift na nagsasaad na ang lahat ng kontinente sa daigdig ay dating magkakadikit-dikit o nagsama-sama bilang isang malaking super kontinente na tinatawag na Pangea bago sila naghiwalay at unti-unting napunta sa kung saan sila nakalagay ngayon.4. Teoryang Tektonikong Platong o Tectonic Plates Theory - ay ang pagbabanggaan ay ang teorya sa paggalaw ng mga tektonikong mga plato (tectonic plates) sa ilalim ng lupa na araw-araw gumagalaw, nagbabanggaan at nagkakawatak-watak. Ang laging paggalaw at pagbabanggaan ng mga tektonikong plato ang nagpapaliwanag sa pagkakaroon ng mga lindol, pagputok ng mga bulkan at pagbuo ng mga bundok at mga bulkan.

Answered by heidicayobit | 2025-08-27