Ang salitang Griyego na "epos" ay nangangahulugang "awit" o "salita". Ito ang pinagmulan ng salitang "epiko" sa Filipino, na tumutukoy sa isang uri ng patulang pasalaysay na nagkukuwento ng mga dakilang gawa at kabayanihan ng mga pangunahing tauhan. Ang epiko ay karaniwang ipinahahayag nang pasalita, patula, at paawit.