Sa pag-aaral ko ng mga depinisyon ng wika mula kina Carroll (1973) at sa Webster New International Dictionary (1961), napaisip ako kung gaano kahalaga ang wika sa ating pang-araw-araw na buhay. Hindi lang ito basta tunog o salita—isa itong sistemang may kaayusan, ginagamit para magkaintindihan tayo, magpahayag ng damdamin, at magbahagi ng karanasan.Ang sinabi ni Carroll na ang wika ay may kaayusang sistema ng mga tunog para sa interpersonal na komunikasyon, nagpapakita kung paano tayo konektado sa isa’t isa. Samantalang ang depinisyon mula sa Webster ay tumutukoy sa wika bilang isang arbitraryong sistema na ginagamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. Dito ko na-realize na ang wika ay hindi lang basta gamit sa pakikipag-usap—ito rin ay salamin ng ating kultura, pagkakakilanlan, at kasaysayan.Bilang isang estudyante, mahalaga sa akin na maunawaan ang lalim ng wika, hindi lang para sa akademikong pangangailangan, kundi para mas mapalalim ang koneksyon ko sa kapwa, sa sarili, at sa lipunang ginagalawan ko. Sa bawat salita, may kwento. Sa bawat tunog, may damdamin. At sa bawat wika, may buhay[tex].[/tex]