Sa pagkakaintindi ko, ang lipunang sibil ay binubuo ng mga samahan o organisasyon na kusang nabubuo ng mga mamamayan, tulad ng NGOs, volunteer groups, o iba pang grupo na ang layunin ay tumulong sa kapwa at sa lipunan. Ang media naman ay tumutukoy sa pahayagan, radyo, telebisyon, at social media na nagsisilbing tagapagdala ng balita at impormasyon para mamulat ang tao sa mga nangyayari. Samantala, ang simbahan ay hindi lang lugar ng pagsamba, kundi isa ring institusyon na gumagabay sa pananampalataya at moralidad ng tao. Para sa akin, mahalaga silang tatlo dahil tumutulong sila sa paghubog ng ating pananaw, pagkatao, at pagkilos bilang isang responsableng mamamayan[tex].[/tex]