Answer:Ang palaka ay mahalagang bahagi ng kalikasan dahil sila ang kumokontrol sa dami ng mga insekto tulad ng lamok, langaw, at iba pang peste. Kung maubos ang mga palaka, lalaki ang bilang ng mga insekto. Halimbawa, kung wala nang palaka sa palayan, mas dadami ang mga insektong kumakain ng palay kaya mababawasan ang ani ng mga magsasaka. Bukod pa rito, maaaring tumaas ang bilang ng lamok na nagdadala ng sakit tulad ng dengue o malaria.Mahalaga rin ang palaka sa food chain. Maraming ibon, ahas, at isda ang kumakain ng palaka. Kapag nawala sila, maaapektuhan ang mga hayop na umaasa sa kanila bilang pagkain. Halimbawa, kung wala nang palaka sa ilog, mahihirapan ang ilang uri ng isda at ibon na makahanap ng makakain.Bukod dito, ang palaka ay tinatawag na indicator species, ibig sabihin ay nagpapakita sila ng kalinisan at kalusugan ng kapaligiran. Kapag unti-unti silang nawawala, senyales ito na marumi ang tubig, may polusyon, o naapektuhan ang kalikasan dahil sa sobrang paggamit ng kemikal.