Ang palaka ay isa sa mga hayôp na madalas nating nakikita sa paligid sa mga ilóg, sapa, paláyan, at damúhan. Pero kahit simpleng tingnan ngunit napakalaki ng kanilang papel sa kalikasan. Kung mauubos ang mga palaka, maraming bagay ang maapektuhan.1. Pagdami ng insektoAng palaka ay natural na kumakain ng lamok, gámu-gamô, at iba pang maliliit na insekto. Kung wala na sila, mabilis dadami ang mga lamok. Posible itong magdala ng sakit gaya ng dengue, malária, at iba pa. Ibig sabihin, hindi lang kapaligiran kundi pati tao ang maapektuhan.2. Kawalan ng pagkain ng ibang hayopMaraming ibon, ahás, at isda ang kumakain ng palaka. Kung mawala sila, bababa ang bilang ng mga hayop na ito dahil mawawala ang isa sa pangunahing pinagmumulan ng kanilang pagkain. Unti-unting mababago ang balanse ng “food chain.”3. Pagbabago sa kalinisan ng tubigNakatutulong ang mga palaka sa pagpapanatiling malinis ang tubig. Habang maliit pa sila (tadpole), kumakain sila ng algáe at dumi sa tubig. Kung wala na sila, pwedeng dumumi o masira ang kalidad ng tubig sa mga ilog at lawa.