Ang mga aral na natutuhan mula sa kwentong "Ang Ama" ni Mauro R. Avena ay:Magkaroon ng responsibilidad bilang ama at asawa sa pamilya upang hindi magsisi sa mga pagkukulang.Pahalagahan at unahin ang pamilya sa lahat ng pagkakataon dahil sila ang tunay na magiging kasama sa hirap at ginhawa.Iwasan ang pagkalulong sa bisyo tulad ng alak dahil nagdudulot ito ng masamang epekto hindi lamang sa sarili kundi pati na rin sa pamilya.Huwag maging marahas o manakit ng pisikal at emosyonal sa kapwa, lalo na sa mga mahal sa buhay.Mahalaga ang pagtulong at pagdamay sa mga taong dumaranas ng kalungkutan at kakapusan, lalo na kapag may pumanaw sa pamilya.Ang pagsisisi ay laging nasa huli; mahalagang magsisi at magbago bago maging huli ang lahat.Ang pamilya ang tunay na pinagkukunan ng lakas at pag-ibig na dapat pangalagaan.