Kapag nabunutan ng ngipin, natural na reaksyon ng katawan ang pagbuo ng blood clot (namuong dugo) sa butas o socket ng ipinagbunutan. Ang clot na ito ay parang “laman” na nakikita mo dahil ito ang nagsisilbing proteksyon ng buto at ugat sa loob. Mahalaga ito para magsimula ang paghilom.Kung walang mabuo na clot o kung matanggal ito agad (halimbawa dahil sa paghigop ng straw o pagdura nang malakas), puwedeng mangyari ang tinatawag na dry socket, na masakit at matagal gumaling.Payo:Huwag dumura o humigop gamit ang straw agad pagkatapos bunutan.Iwasan ang sobrang mainit na pagkain at paninigarilyo.Sundin ang reseta o payo ng dentista.