Ang panahon sa kasalukuyan ay tumutukoy sa modernong panahon na nararanasan natin ngayon, kung saan mabilis ang pag-unlad ng teknolohiya, komunikasyon, at paraan ng pamumuhay. Sa Pilipinas, malaki ang naiambag nito sa araw-araw na gawain ng mga tao gaya ng pag-aaral, trabaho, at pakikipag-ugnayan.Bagama’t patuloy ang pag-usbong ng makabagong kaugalian, hindi pa rin nawawala ang pagpapahalaga natin sa tradisyon gaya ng bayanihan, paggalang sa nakatatanda, at paggamit ng wikang Filipino. Ipinapakita nito na kahit nasa makabagong panahon na tayo, nananatili pa ring buháy ang ating pagka-Pilipino.