May dalawang uri ng kahulugan ang isang salita: denotasyon at konotasyon. Ang denotasyon ay tumutukoy sa literal at direktang kahulugan, samantalang ang konotasyon naman ay mas malalim, simboliko, o di-tuwirang pagpapakahulugan batay sa damdamin at kultura ng tao.Sa denotasyon, ang puso ay bahagi ng katawan ng tao at hayop. Ito ang organo na responsable sa pagdaloy ng dugo sa buong katawan upang manatiling buhay at gumagana ang mga bahagi nito. Samantala, sa konotasyon, ang puso ay maaaring sumimbolo ng pag-ibig, malasakit, at damdamin, tulad ng kapag sinasabi nating “buong puso.” Maaari rin itong kumatawan sa tapang at lakas ng loob, gaya ng sa kasabihang “pusong bayani.”