Bawa’t bayan ay may sariling wika gaya ng pagkakaroon niya ng sariling pag-iisip. Pinagpipilitan ninyong mabuti na hubdan ang sarili ng angking katauhan bilang isang bayan; nalilimutan ninyo na habang pinangangalagaan ng isang bayan ang kanyang wika ay taglay niya ang isang tanda ng kanyang kalayaan, gaya rin ng pagtataglay ng kalayaan ng isang tao habang pinangangalagaan niya ang kanyang sariling laya ng pag-iisip.