Nahubog ng likas na kapaligiran ang pagbubuo ng mga pamayanan at kabihasnan sa kapuluan at insular na bahagi ng Timog-Silangang Asya dahil sa likas nitong yaman at lokasyon. Dahil napapalibutan ito ng dagat, naging mahalaga ang pangingisda at pakikipagkalakalan sa iba’t ibang lugar, lalo na sa mga karatig-bansa tulad ng Tsina at India. Marami ring bundok, ilog, at matabang lupa na naging dahilan kung bakit umunlad ang agrikultura at nagkaroon ng matatag na pamumuhay ang mga tao. Sa ganitong paraan, unti-unting nabuo ang mga pamayanan, at mula rito'y umusbong ang mga kabihasnang may sariling kultura, relihiyon, at pamahalaan. Sa madaling salita, malaki talaga ang naging papel ng kapaligiran sa paghubog ng pamumuhay at pag-unlad ng mga tao sa rehiyong ito[tex].[/tex]