Ang epiko ay isang uri ng karunungang bayan dahil ito ay bahagi ng panitikan na naglalaman ng karanasan, paniniwala, at tradisyon ng ating mga ninuno. Isa itong mahabang tulang pasalaysay na tumatalakay sa mga kabayanihan ng pangunahing tauhan na may pambihirang lakas, tapang, at malasakit sa bayan.Itinuturing itong karunungang bayan sapagkat ipinapasa ito sa pamamagitan ng oral tradition o pasalita, at naglalaman ng mga aral, kaugalian, at pananaw ng isang lipunan.