HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Geography / Elementary School | 2025-08-22

PANGALAN: PANGKAT: MGA KAHIRIAN AT KABIHASNAN SA TIMOG SILANGANG ASYA PANUTO: PUNAN ANG MGA KAHON SA CROSSWORD PUZZLE GAMIT ANG MGA CLUES SA IBABA F 6. 4 I'M זין ACROSS 2.Namayagpag ang sa Timog at Gitnang bahagi ng Vietnam.Nakipagkalakalan ang mga ito sa mga Indian at kumalat ang impluwensyang Indian. Makikita ito sa pagkalat ng wikang Sanskrit at relihiyong Hindu at Buddhist. Bumagsak ito noong ika-15 siglo matapos masakop ng mga Vietnamese. 4. Dito naitatag ang pinakamalaking templo sa buong daigdig ang Angkor Wat. Binubuo ito ng Cambodia, Timog Vietnam, Laos, Thailand, Timog ng Malaysia, Kanluran ng Myanmar at West Philippine Sea 6.Tumutukoy sa isang estado na may kapangyarihang pandagat o isang imperyo sa dagat. 9.Magaling sa produksyon ng bigas, may sistemang kanal na nagdurugtong sa bawat gusali at pamamahay. Kilalang maunlad ang ekonomiiya dahil sa pakikipagkalakalan 10. Kasama ang Spice Islands sa naging teritoryo nito. Si Gaja Mada ang naging pinakatanyag na lider militar Huling hindu empire sa Malay Peninsula 12. Borobodor temple DOWN 1. Ito ang kauna-unahang kahariang Burmese sa rehiyon at kinikilalang pundasyon ng kasalukuyang Myanmar 3. Naging tagapagpalaganap ng relihiyong Islam sa Timog- Silangang Asya 4.Tumutukoy sa yugto ng pamumuhay ng isang lipunan na nagkaroon ng pag-unlad. 5. ay mula sa salitang Sanskrit na nangangahulugang Dakilang Tagumpay o Dakilang Pagsakop. 7. Kinuha ni Le Than Thong na modelo ang China at nagsagawa ng Triennial Confucian civil service exam 8. Itinatag ni U Thong, ito ay kinikilala bilang nagpasimula ng modernong Thailand 11. Ikalawang imperyong Burmese. Ilan sa mga namuno dito ay si Tabinshweti at Bayinnaung. sa pamumuno ni Bayinnaung naabot nito ang tugatog ng kapangyarihan ng masakop rin nito ang ilang bahagi ng Thailand​

Asked by lautaprince09

Answer (1)

Answer:ACROSS2. Champa – Kahariang namayagpag sa Timog at Gitnang Vietnam; malakas ang impluwensyang Indian; bumagsak noong ika-15 siglo nang masakop ng mga Vietnamese.3. Tangway ng Indochina – Rehiyong kinabibilangan ng Cambodia, Laos, Thailand, Vietnam, at Peninsular Malaysia; dito matatagpuan ang Angkor Wat.4. Thalassocracy – Estado/imperyong nakabatay sa kapangyarihang pandagat.5. Funan – Kilala sa produksyon ng bigas, mga kanal, at maunlad na kalakalan.6. Majapahit – Malawak ang sakop (kasama ang Spice Islands); kilala si Gajah Mada; huling makapangyarihang Hindu empire sa rehiyon.7. Sailendra – Dinastiyang nagpatayo ng Borobudur sa Gitnang Java.DOWN1. Pagan (Bagan) – Kauna-unahang kahariang Burmese; pundasyon ng modernong Myanmar.2. Mga mangangalakal na Muslim – Sila ang nagpalaganap ng Islam sa Timog-Silangang Asya.3. Kabihasnan – Yugto ng buhay-lipunan na may malinaw na pag-unlad.4. Srivijaya – Mula sa Sanskrit na “dakilang tagumpay”; makapangyarihang imperyo sa dagat.5. Đại Việt (Dai Viet) – Sa pamumuno ni Lê Thánh Tông; ginaya ang modelong Tsina at may triennial Confucian exam.6. Ayutthaya – Itinatag ni U Thong; pinagmulan ng modernong Thailand.7. Toungoo (Taungoo) – Ikalawang imperyong Burmese; sumigla sa pamumuno nina Tabinshwehti at Bayinnaung.

Answered by belandrespolarlea | 2025-08-24