Ang mabuting epekto ng kolonyalismo sa Pilipinas ay ang pagkakaroon ng pormal na sistema ng edukasyon at pagpapakilala ng Kristiyanismo na naging bahagi ng ating kultura. Nagpatayo rin ang mga mananakop ng simbahan, tulay, kalsada, at iba pang imprastraktura na nagamit ng mga Pilipino. Sa ilang paraan, natuto rin tayo ng mga bagong kaalaman tulad ng paggamit ng teknolohiya at sistemang pampulitika na nakatulong sa paghubog ng bansa.Gayunpaman, mas marami ring hindi mabuting epekto ang idinulot ng kolonyalismo. Nawala ang ating kalayaan at sariling pamamahala dahil pinilit tayong sumunod sa mga dayuhan. Inabuso rin ang ating likas-yaman at pinilit na magbayad ng mataas na buwis ang mga Pilipino. Bukod dito, nawala ang ilang bahagi ng ating sariling kultura at tradisyon dahil pinalitan ito ng mga kaugalian ng mga mananakop. Dahil dito, maraming Pilipino ang nakaranas ng pang-aapi, kahirapan, at kawalan ng pagkakakilanlan bilang isang malayang bansa.