Mga Katangian ng Responsableng Mag-aaral:Disiplinado – marunong sumunod sa mga alituntin at nagagamit nang maayos ang kaniyang oras. Masipag – ginagawa ang mga takdang-aralin at nag-aaral nang may pagsisikap.Magalang – nirerespeto ang mga nasa loob ng paaralan tulad ng guro, kaklase, utility workers, at iba pa. Mapagkumbaba – handang tanggapin ang sariling pagkakamali at matuto mula sa mga ito. Handang matuto – bukas ang isipan sa mga bagong kaalaman at mga ideya. Ang mga halimbawa ng katangian na iyan ay nagpapakita na ang isang mag-aaral ay marunong gampanan ang kaniyang tungkulin, may respeto sa iba, at nagsisikap para sa kaniyang tagumpay.