Ang katapora ay isang reperensiya na ang panghalip ay nasa unahan bilang pamalit sa pangngalan na makikita sa hulihan ng pangungusap. Kumuha sila ng bayabas nang walang paalam. Galit na galit tuloy si Mang Ambo kina Kim at Miguel. - Panghalip - sila- Pangngalan ng tao - Mang Ambo, Kim, at MiguelAng anapora naman ay isang reperensiya na ang panghalip ay nasa hulihan bilang pamalit sa pangngalan na makikita sa unahan ng pangungusap.Nasira ang cellphone ni Angel dahil nahulog at nasagasaan ito ng sasakyan. Napakasipag ni Mary. Itinaguyod niyang mag-isa ang kanilang pamilya.Mahilig mag-vlog si Rhea. Naging kilala siya dahil sa mga ini-upload niyang video.