Oo, minsan ko nang naranasan maging ethnocentric, kahit hindi ko agad napansin noon. Halimbawa, noong una akong makatagpo ng isang kaklase na may ibang kultura at paraan ng pananamit, parang naging mabilis ako sa paghusga. Naisip ko agad na "ang weird naman niya" dahil iba siya sa nakasanayan ko. Pero habang tumatagal, at mas nakikilala ko siya, narealize ko na mali pala ‘yung unang reaksyon ko. Doon ko naunawaan na hindi ibig sabihin na iba ang kultura ng isang tao ay mali na agad ito.Minsan kasi, sa pagiging sanay natin sa sariling kultura, akala natin iyon lang ang "tama" o "normal," pero sa totoo lang, bawat kultura ay may sariling halaga at ganda. Mahalaga na maging bukas ang isip at matutong rumespeto sa pagkakaiba-iba ng mga tao[tex].[/tex]