Top-down ApproachIto ay paraan ng paglutas ng problema o pagbuo ng sistema kung saan nagsisimula sa pangkalahatang ideya o kabuuan at hinahati ito sa maliliit na bahagi hanggang sa mas detalyadong aspeto.Karaniwan itong ginagamit sa pagpaplano o paggawa ng mga proyekto kung saan ang mga desisyon ay nanggagaling sa mga nasa itaas na posisyon.Halimbawa, ang mga lider o namumuno ang nagtatakda ng mga patakaran na ipinatutupad ng mga kasapi.Kalakasan - Malinaw ang direksyon at mas madali ang organisasyon ng gawain.Kahinaan - Maaaring hindi mapansin ang mga detalye sa mababang antas at kulang ang detalye sa pag-unawa ng mga maliliit na bahagi.Bottom-up ApproachIto naman ay pamamaraan kung saan nagsisimula sa maliliit o simpleng bahagi papunta sa kabuuan o pangkalahatang ideya.Ang mga detalye o mga karanasan ng mas nakararaming tao ang pinagbabatayan bago bumuo ng pangkalahatang solusyon o desisyon.Karaniwang may malaking bahagi ang mga manggagawa, mamamayan, o kasapi sa pagpaplano at paggawa ng mga hakbang.Kalakasan - Nakikita agad ang mga detalye at posibleng problema, flexible ang sistema, at mainam sa teknikal na isyu.Kahinaan - Maaaring mahirapan sa pag-ugnay ng mga bahagi upang makabuo ng kabuuan at mas matagal ang pagbuo ng solusyon kung walang malinaw na plano.