Ang aral na makukuha sa Katipunan na itinatag ni Andres Bonifacio ay ang tunay na pag-ibig sa bayan at pagkakaisa ng mga Pilipino para sa kalayaan. Pinapahalagahan dito ang pagiging tapat, pagkakapantay-pantay, at ang dedikasyon sa makatarungan at makabuluhang layunin ng paglaya mula sa koloniyal na pananakop. Itinuturo din nito na ang pakikipaglaban sa bayan ay hindi para sa pansariling kapakinabangan kundi para sa kapakanan ng buong sambayanan.