Kung ihahambing sa mga panoorin o babasahin sa kasalukuyan, pinakamalapit ang paksa at katangian ng isang tula sa mga maikling kwento, ṡpóken póetry, at kanta. Tulad ng tula, ang mga ito ay gumagamit ng malikhaing wika, matalinghagang pahayag, at malalim na damdamin. Halimbawa, ang spóken poetry na popular ngayon ay halos kapareho ng tradisyunal na tula dahil gumagamit ito ng tugma, talinghaga, at ritmo upang ipahayag ang emosyon o karanasan. Sa mga kanta naman, ang liriko ay maaaring ituring na modernong tula dahil binibigkas ito sa himig. Kaya’t masasabi na ang tula ay malapit sa mga makabagong anyo ng sining na naglalayong magpahayag ng damdamin at karanasan.