Mindanao ang pumapangalawa sa pinakamalaking isla sa Pilipinas.Una ang Luzon, na siyang pinakamalaki at pinakamataong isla. Sumunod dito ang Mindanao, na kilala sa malawak na lupain, likas yaman, at malaking ambag sa agrikultura ng bansa. Ang pagiging malaki ng Mindanao ay dahilan kung bakit marami ring etnolingguwistikong grupo at iba’t ibang kultura ang makikita rito.