Simula Ipinanganak si "Lam-ang" na may kakaibang kakayahan — nakakapagsalita na agad at may pambihirang lakas.*Ipinadala ng kanyang ina na si Namongan ang bata upang hanapin ang kanyang amang si Don Juan, na hindi pa bumabalik mula sa digmaan laban sa mga Igorot.TunggalianNalaman ni Lam-ang na pinatay ng mga Igorot ang kanyang ama. Naglakbay siya upang maghiganti at matagumpay na pinuksang mag-isa ang mga kalaban gamit ang kanyang lakas at talino.KasukdulanNainlove si Lam-ang kay "Ines Kannoyan" at dinalaw siya upang manligaw.Dumaan siya sa maraming pagsubok, kabilang ang pakikipaglaban sa mga karibal at pagpapakita ng kanyang kagitingan.Kalaunan, nang sila’y magpakasal, kailangan niyang sumisid sa dagat para manghuli ng rarang (isang uri ng isda) bilang bahagi ng kaugalian, ngunit nalunod siya at nalunok ng isang malaking isda.Kakalasan Dahil sa matinding pagmamahalan at tulong ng mga mahiwagang hayop ni Lam-ang (aso at tandang), nakumbinsi nila ang mga tao na kunin ang mga buto ni Lam-ang mula sa tiyan ng isda. Pinagdasal at binuhay siyang muli gamit ang mga ritwal ng mga engkanto.Wakas Nabuhay muli si Lam-ang at muling nagsama sila ni Ines Kannoyan nang mapayapa at masaya.