Isang mabisang paraan upang maging malusog ay ang regular na pag-eehersisyo.Ang ehersisyo ay nakakatulong upang maging malakas ang katawan at maiwasan ang iba’t ibang sakit. Sa pamamagitan ng simpleng pagtakbo, paglalakad, o pagsayaw, napapalakas ang puso at baga.Bukod dito, nakakatulong din ang ehersisyo sa pagpapababa ng stress at sa pagkakaroon ng mas positibong pananaw sa buhay. Hindi kailangang maging mabigat ang ginagawa; sapat na ang 30 minuto araw-araw ng pisikal na aktibidad.