Bilang isang estudyante, may mga paraan akong magagawa upang isulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian sa paaralan. Una, sisiguraduhin kong igalang ang lahat ng kasarian, lalaki man o babae, at ituturo ko ito sa aking mga kaklase upang mabawasan ang diskriminasyon at stereotyping. Pangalawa, sasali o gagawa ako ng mga grupo o aktibidad na tumutulong sa pagtuturo tungkol sa gender equality upang magkaroon ng mas malawak na kaalaman ang mga estudyante.Pangatlo, susuportahan ko ang mga patakaran ng paaralan at kampanya na nagtataguyod ng pantay na karapatan at oportunidad para sa lahat, kabilang ang LGBTQ+ community. Panghuli, gagamit ako ng positibong wika at iwasan ang mga salita o biro na naglalagay sa isang kasarian sa mababang posisyon.