Tema: Pangangalaga sa Katutubong Wika at Kaalaman bilang Pangangalaga sa KalikasanSa wika ng ninuno’y dunong nagmumula,Tinig ng kalikasa’y dapat ay pakingga.Sa bawat kataga’y payo ng dakila,Landas ng pag-ibig sa mundo’y ginagabayan.Ang kaalaman nila’y aral ng kagubatan,Paano iingatan ang tubig at halaman.Sa wikang katutubo, buhay ay ginagabayan,Yaman ng kalikasan, dapat ay pahalagahan.Kapag wika’y iniingatan, dunong ay buháy,Nagiging sandigan ng bukas na tagumpay.Kalikasa’y giginhawa, hangin ay dalisay,Buhay ng tao’y magiging makulay.Kaya’t huwag talikuran ang wika at yaman,Ito ang susi ng mundo’t kaligtasan.Pangangalaga sa lahat ay ating tungkulan,Sa wika at kalikasa’y tunay na kaunlaran.