Stage – Ito ang may kakayahang baguhin ang laki ng iyong workspace sa Scratch; maaari mong piliin ang Small Stage Layout, Regular, o Full Screen. Ito rin ang background ng iyong project at dito nakikita ang lahat ng kilos ng Sprite.Script – Nabubuo ito gamit ang pinagsama-samang blocks. Mahalaga ito para mamanipula o makontrol ang Sprite. Maaaring isa o higit pang Script ang gamitin upang makakilos ang isang Sprite.Sprite – Ito ay isang karakter o bagay na minamanipula gamit ang script. Maaari itong manggaling sa Sprite Library, sariling guhit, o larawan mula sa kompyuter.Backpack – Matatagpuan sa ibabang bahagi ng editor. Dito maaaring ilagay ang costumes, sounds, at scripts para magamit sa iba pang Sprite o projects.OSS (Operating System Section) – Ang mahaba at puting bar sa ilalim ng editor na maaaring buksan o isara sa pamamagitan ng pag-click dito.