Ang Kongreso ng Malolos ay pinasinayaan sa Barasoain Church sa Malolos, Bulacan noong Setyembre 15, 1898.Dito unang nagtipon ang mga kinatawan ng rebolusyonaryo upang bumuo ng Konstitusyon ng Malolos, na nagbigay-daan sa pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Ang Barasoain Church ay naging simbolo ng demokrasya at kalayaan sa kasaysayan ng bansa.