Mahal na Datu,Ako po ay inyong lingkod, isang timawa na naglilingkod sa bayan at nag-aaruga sa aking pamilya. Humihiling po ako ng mas mabuting lupa para sa pagsasaka, na malapit sa tubig at may mabuting lupa, upang mas marami kaming maitanim at aniin. Kung kami ay magkaroon ng mas produktibong sakahan, hindi lamang aming pamilya ang makikinabang kundi pati ang buong barangay dahil magkakaroon tayo ng sapat na pagkain at pagkain sa panahon ng tag-ulan. Ang dagdag na ani ay magpapalago sa kalakalan sa palayan at magbibigay ng dagdag na yaman para sa bayan at mga pangangailangan ng komunidad. Nangangako po kami ng mas masigasig na pag-aalaga sa lupa at pagbabayad ng nararapat na serbisyo para sa inyong pamumuno. Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at gabay[tex].[/tex]