Ang kwento ni Langgam at Tipaklong ay nagsimula sa isang magandang umaga kung saan mainit ang sikat ng araw. Si Langgam ay masipag na naglalakad at naghahanap ng pagkain. Nakakita siya ng isang butil ng bigas na pinasan niya at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong, ang kanyang kaibigan, na naiiba ang gawain siya ay naglalaro at masaya habang hinihikayat si Langgam na magpahinga at magsaya rin. Ngunit naniniwala si Langgam na dapat mag-ipon habang maganda ang panahon upang kapag dumating ang tag-ulan ay may pagkain silang maaasahan.