Ang Paghadlang at Mitigasyon ng Kalamidad ay tumutukoy sa mga hakbang na ginagawa upang mabawasan ang pinsala, gaya ng pagtatanim ng puno, tamang pagtatapon ng basura, at pag-iwas sa pagtira sa mapanganib na lugar.Ang Paghahanda sa Kalamidad ay ang paggawa ng plano, pagsasanay, at paglalagay ng mga kagamitan tulad ng go bag, first aid kit, at evacuation plan upang maging handa ang lahat.Sa yugto ng Pagtugon sa Kalamidad isinasagawa ang mabilis na paglikas, pagbibigay ng tulong medikal, pamamahagi ng pagkain at tubig, at pagsagip sa mga apektadong tao.Pagkatapos ng kalamidad, isinasagawa ang Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad upang maibalik sa normal ang pamumuhay, maayos ang mga nasirang imprastruktura, at matulungan ang mga pamilyang naapektuhan.Mahalaga ang disiplina at kooperasyon ng mga mamamayan upang maging matagumpay ang mga hakbang sa pag-iwas, paghahanda, pagtugon, at pagbangon mula sa anumang kalamidad.