Ang pagguho ng lupa o landslide ay nangyayari kapag ang lupa, bato, at iba pang debris ay biglang dumulas pababa ng isang dalisdis o bundok. Ito ay dulot ng kombinasyon ng mga natural na kalagayan at gawa ng tao.Mga Dahilan ng Pagguho ng LupaMatinding pag-ulan – Kapag sobra ang ulan, nababasa at nabibigat ang lupa kaya nawawala ang kapit nito.Pagputol ng puno – Ang mga ugat ng puno ang humahawak sa lupa. Kapag wala na ito, madaling gumuho ang lupa.Pagyanig ng lindol – Ang malalakas na lindol ay nagpapayanig sa lupa kaya ito bumibigay.Maling gawain ng tao – Tulad ng pagmimina, pagsusunog ng kagubatan, at hindi planadong konstruksyon sa matarik na lugar.Ang lupa ay gumuho dahil nawawala ang stability o katatagan nito. Kapag mas mabigat ang puwersa na humihila pababa kaysa sa puwersa na sumusuporta sa lupa, nagkakaroon ng pagguho.