Answer:Si Mathilde Loisel ay isang magandang babae ngunit hindi masaya sa kaniyang simpleng buhay. Pakiramdam niya ay para siya sa marangyang pamumuhay, ngunit siya’y asawa lamang ng isang karaniwang kawani.Isang araw, inimbitahan siya at ang kaniyang asawa sa isang marangyang kasayahan. Nalungkot siya dahil wala siyang magandang damit at alahas na maisusuot. Binilhan siya ng asawa ng bagong bestida, at nanghiram naman siya ng kuwintas na tila mamahalin mula sa kaibigang si Madame Forestier.Sa kasayahan, siya ang pinakamaganda at hinangaan ng lahat. Ngunit pagkauwi nila, natuklasan niyang nawala ang hiniram na kuwintas. Upang mapalitan ito, nangutang at nagtiis silang mag-asawa ng matinding kahirapan sa loob ng sampung taon.Pagkalipas ng sampung taon, sa wakas ay naibalik ni Mathilde ang kuwintas. Ngunit laking gulat niya nang sabihin ni Madame Forestier na ang hiniram niyang kuwintas noon ay peke lamang at walang gaanong halaga.