Natututo ako ng bagong kaalaman mula sa media sa iba’t ibang pagkakataon, gaya ng panonood ng educational videos sa YouTube o pagbasa ng mga impormasyon sa Facebook at news sites. Halimbawa, sa YouTube natuto ako ng mga study tips at simpleng life hacks na nakatulong sa akin sa paggawa ng school projects. Minsan naman sa TV o social media, nakakakuha ako ng balita tungkol sa kalikasan at kalagayan ng ating bansa, kaya mas nagiging aware ako sa mga isyung panlipunan.Nagagamit ko ito sa tunay na buhay kasi nakakapag-apply ako ng mga natutunan—halimbawa, kung paano maging mas organisado sa pag-aaral, o kung paano maging mas maingat sa kalikasan. Bukod doon, natututo rin akong maging mas mapanuri sa mga impormasyong nakikita ko online at hindi basta-basta naniniwala hangga’t walang malinaw na source[tex].[/tex]