Hinatulan ng kamatayan si Andres Bonifacio dahil sa kasong sedisyon at pagtataksil sa rebolusyon na iniharap laban sa kanya ng mga kasapi ng Magdalo, isang paksyon ng Katipunan na pinamumunuan ni Emilio Aguinaldo. Ang hidwaan sa pagitan nila ay nag-ugat sa eleksyon sa Tejeros kung saan natalo si Bonifacio at hindi niya tinanggap ang resulta. Dahil dito, tinuring siyang banta sa pagkakaisa ng kilusan kaya siya ay naaresto, nilitis, at hinatulan ng kamatayan. Pinatay siya noong Mayo 10, 1897 kasama ang kanyang kapatid na si Procopio, malapit sa Bundok Buntis, Cavite.