Kontribusyon ng MesoamericaAgrikultura - Nagsimula sila ng pagtatanim ng mais, kakaw, kamote, at iba pang halamang-ugat; lumikha rin ng “Chinampas” o floating gardens para sa irigasyon.Arkitektura - Kilala sila sa pagtatayo ng mga piramide, templo, at lungsod-estado. Halimbawa, mga istrukturang Maya, Aztec, at Olmec.Sistemang Kalendaryo - Isa sa mga pinakaunang gumawa ng komplikadong kalendaryo batay sa astronomiya (calendar ng Maya).Sistema ng Pagsulat - Gumamit ng hieroglyphs at iba pang sistema ng pagsusulat, mahalaga sa pagrekord ng kanilang kasaysayan.Matematika at Astronomiya - Malalim na kaalaman sa math, astronomy (hal., pagtukoy ng solar at lunar eclipse).Sining at Paglililok - Mahuhusay sa paglililok ng mga higanteng ulo, maskara, at mosaics.Kontribusyon ng PolynesiaPandarayuhan at Paglalayag - Mahuhusay na mandaragat—kilala sa paggawa ng bangkang Catamaran at paglalayag sa Pacific gamit ang bituin bilang gabay.Agrikultura at Pangingisda - Pagtatanim ng breadfruit, taro, saging, tubo, niyog; pangingisda ng tuna, octopus, hipon, at iba pa.Sining at Musika - Mayaman ang Polynesia sa likhang-sining (petroglyphs, pagkakalikha ng maskara), tradisyonal na sayaw at musika.Sistema ng Pamumuhay - Mga pamayanan na organisado sa pamilya; pamumuhay na nakabatay sa pagtatanim, pangingisda, pangangaso.Relihiyosong Paniniwala - Naniniwala sa “mana” o banal na kapangyarihan at may batas na “tapu” (taboo).