Ang paksa ng sanaysay na "Kay Estella Zeehandelaar" ay tungkol sa liham ng isang prinsesang Javanese mula Indonesia na naglalaman ng kanyang pagnanais na mabago ang kanilang tradisyon at kultura. Ninais ni Estella Zeehandelaar na magkaroon ng kalayaan ang mga kababaihan sa kanilang lugar na maging masaya, may tiwala sa sarili, malaya sa pagpili ng kapareha, magkaroon ng pantay na karapatan sa mga lalaki tulad ng makapag-aral at makapagtrabaho, at mabuhay bilang isang modernong babae.