Ang pag-aaral ko sa ekonomiks ay nagbigay sa akin ng mahahalagang kaalaman. Isa sa mga natutunan ko ay ang konsepto ng supply at demand. Nalaman ko na ang presyo ng produkto ay nakadepende sa relasyon ng pangangailangan ng mamimili at suplay ng nagbebenta. Sa pamamagitan nito, mas naiintindihan ko kung paano naaapektuhan ng iba't ibang salik ang presyo sa merkado.