Hakbang sa Pagsulat ng Sanaysay (Gabay)Pumili ng paksa mula sa mga ibinigay (hal. Kasipagan ng mga Pilipino).Magtalakayan kasama ang iyong mga kaklase. Ilahad ang mga ideya at isulat ang mahahalagang punto.Mangalap ng impormasyon mula sa libro, artikulo, internet, o karanasan.Ayusin ang ideya – gumawa ng balangkas (Outline).Panimula: Ipakilala ang paksa.Gitna (Katawan): Ipaliwanag at magbigay ng halimbawa.Wakas: Ibigay ang buod o iyong pananaw.Halimbawa ng Balangkas: Pagmamahal sa Sariling BayanPanimula: Bakit mahalaga ang pagmamahal sa bayan.Katawan:Pagrespeto at paggamit ng sariling wika.Pagsuporta sa produktong Pilipino.Pagpapahalaga sa kasaysayan at kultura.Pagiging mabuting mamamayan (sumusunod sa batas, naglilingkod sa komunidad).Wakas: Ang pagmamahal sa bayan ay nagsisimula sa maliliit na gawain at may malaking epekto sa kinabukasan ng Pilipinas.