Sa panahon ngayon na karamihan ay nag-aaral sa pamamagitan ng online class, napakahalaga ng pagtutulungan at malasakit lalo na sa mga kaklase na nahihirapan dahil sa mahinang signal o iba pang dahilan. Bilang isang kabataan, maipapakita ko ang pakikipagkapwa sa makabagong panahon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aking mga notes at review sa kaklase na nahihirapan makasabay sa aralin. Maaari rin akong maging bukas sa pagtulong sa kanya, tulad ng pagpapaliwanag ng mga mahahalagang konsepto sa aralin sa pamamagitan ng tawag o chat para mas maintindihan niya.