Natutong gumawa ng banga at palayok ang mga sinaunang Filipino noong Panahong Neolitiko o Panahon ng Bagong Bato. Ginamit nila ito bilang sisidlan para sa tubig, pagkain, at iba pang gamit sa pang-araw-araw na buhay. Maliban pa rito, ang mga palayok ay ginamit din sa mga ritwal lalo na sa paglilibing, tulad ng makikita sa mga sinaunang palayok na natagpuan sa mga kuweba sa Palawan at iba pang lugar sa Pilipinas.