Ang "Princessang Javanese" ay si Raden Adjeng Kartini, isang prinsesang taga-Java na kilala bilang isang feminist at tagapagtaguyod ng edukasyon at karapatan ng kababaihan sa Indonesia noong panahon ng Dutch East Indies. Siya ay ipinanganak sa isang aristokratikong pamilyang Javanese at naghangad ng kalayaan lalo na para sa mga kababaihan, laban sa mga makalumang tradisyon tulad ng sapilitang pag-aasawa at limitadong edukasyon.Nakilala naman ni Princessa Kartini si Estella Zeehandelar sa pamamagitan ng kanyang mga liham. Si Estella Zeehandelar ay isang babaeng Dutch o Olandes na sinulatan ni Princessa Kartini. Sa mga liham na ito, inilahad ni Kartini ang kanyang damdamin at mga saloobin patungkol sa kalayaan at modernisasyon na nais niyang marating para sa kanyang bayan at para sa kababaihan. Sa liham, ipinapakita ang paghahangad ni Kartini na makilala ang isang babaeng moderno at malaya na tulad ni Estella, sa kabila ng pagiging nakatali sa mga lumang tradisyon nila.