Ang Buwan ng Wika ay isang mahalagang pagdiriwang sa ating bansa tuwing Agosto. Ito ay iniaalay upang ipaalala sa bawat Pilipino ang kahalagahan ng ating pambansang wika na Filipino. Ang wika ang nagsisilbing tulay upang magkaunawaan ang bawat isa, lalo na’t tayo ay may iba’t ibang rehiyon at diyalekto.Sa pamamagitan ng wikang Filipino, naipapahayag natin ang ating saloobin, kultura, at pagkakakilanlan bilang isang bansa. Hindi lamang ito paraan ng pakikipag-usap, kundi simbolo rin ng ating kasaysayan at kalayaan. Kaya mahalagang gamitin, pahalagahan, at ipagmalaki ito.